
Pabalik na sa Pilipinas sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Boobay mula sa Tel Aviv, Israel.
Sina Julie, Rayver, Boobay at Sparkle Team ay nasa Tel Aviv, Israel, nang mangyari ang pag-atake ng grupong Hamas ang naturang bansa. Nakatakda silang mag-perform sa Smolarz Auditorium of the Tel Aviv University para sa "Luv Trip Na, Laff Trip Pa" show, na gaganapin sana noong Sabado, October 7. Nakansela ito dahil sa nangyaring pag-atake sa Israel.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Sa "Chika Minute"ng 24 Oras, ikinuwento nina Julie, Rayver, at Boobay ang kanilang karanasan sa gitna ng pag-atake sa Israel.
Kuwento ni Julie, "Siyempre nawindang kaming lahat dahil tulog kaming lahat. Bigla kaming nagising. Naririnig namin na 'yun na nga may mga sumasabog na nga."
Saad naman ni Rayver ay malayo man sila ay naririnig pa rin nila ang pag-atake sa Israel.
"First time ko lang din naka-experience ng ganoon. Alam mong malayo tapos dinig pa rin 'yung mga impact.
RELATED GALLERY: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose visit Israel
Ayon naman kay Boobay, natutulog sila nang magsimula ito.
"Natutulog kami that time. 'Tapos, biglang ginigising na kami kasi nga may nangyayari na. Tapos naririnig na namin. 'Yun pala sign na 'yun, signal na 'yun na kailangan naming magtago sa shelter."
Ayon sa balita, umatake ang Palestinian Islamist group na Hamas sa Israel noong Sabado, October 7.
Kasunod ng pagputok ng balitang ito, agad na naglabas ng advisory ang Sparkle tungkol sa kalagayan nina Julie, Rayver, at Boobay sa Israel.
"SPECIAL ADVISORY: In view of the recent reports we are getting from Tel Aviv, the management of Sparkle would like to announce that Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay and the Sparkle Team who are currently in Israel now for a concert are all safe. The show for tonight was already cancelled and the whole GMA team will leave for Manila as scheduled. We thank everyone for their well wishes as we pray for their continued safety and protection."