GMA Logo BGYO JL
What's on TV

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, pinuri ang pagiging mentor ni BGYO JL sa 'The Clash Teens'

By Bianca Geli
Published July 15, 2026 5:50 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

BGYO JL


Ibinahagi nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang naging karanasan nila sa pakikipagtrabaho kay JL Toreliza ng BGYO, na kabilang sa panel of judges ng "The Clash Teens."

Todo-puri sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kay JL Toreliza ng BGYO, na unang sumabak bilang isa sa mga hurado ng The Clash Teens.

Ayon kay Julie Anne, may ibang side si JL na makikita sa programa.

"Si JL may tinatago talaga siyang kulit," aniya sa nakaraang episode ng All-Out Sundays kung saan nag-guest si JL.

Bagama't tahimik ang singer, sinabi ni Julie Anne na marami itong maibabahaging aral sa mga contestants.

"Medyo tahimik lang 'yan, nonchalant lang siya pero full of wisdom," dagdag niya.

Sang-ayon naman si Rayver, na nagsabing magaan katrabaho si JL at mahusay itong magbigay ng payo.

"Very good vibes siya, chill, pero at the same time bilang 'BGYO JL,' ang dami niyang words of wisdom para sa mga The Clash Teens, sabi niya.

Samantala, ibinahagi rin ni JL ang naging karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa kapwa judges na sina Christian Bautista at Jillian Ward.

"Sobrang saya nilang katrabaho. Sobrang ganda na nagbibigay kami ng kanya-kanyang opinions and nagse-share kami ng mga experiences namin sa mga contestants," ani niya.

Mapapanood ang The Clash Teens sa GMA Network, kung saan hinuhubog ng mga judges at mentors ang susunod na henerasyon ng mahuhusay na performers. Abangan ito tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA Network channel at Kapuso Stream.

Panoorin din ang All-Out Sundays tuwing Linggo, 12 noon sa GMA Network channel na may kasabay na livestream sa GMA at ATM YouTube channels.



RELATED GALLERY: Meet the members of Filipino boy band BGYO