
Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng batikang host na Boy Abunda si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose tungkol sa naging pahayag ng kaniyang former on-screen love team partner na si Elmo Magalona, na naunang makapanayam ng King of Talk sa kaniyang programa.
Sa panayam kay Elmo, itinanong ng veteran host kung bukas ba siya na magkaroon ng isang collboration sa pagitan nila ni Julie Anne muli. Agad naman itong tumugon at sinabing: “Yeah! We could.”
Tila bukas naman ang aktor sa ideya na muling magkrus ang landas nila ng kaniyang dating on-screen partner matapos ang mahabang panahon.
“We could see something like that happen. We'll try to stay in touch with her, or try to contact her,” dagdag na pahayag ni Elmo.
Sa pagbisita naman ni Julie Anne noong Huwebes, June 25, sa programa; itinanong naman sa kaniya ni Tito Boy kung siya ba'y bukas din na muling makatrabaho si Elmo.
“Oo naman,” tugon ni Julie Anne.
Nilinaw din at kinumpirma ng Kapuso actress-singer na hindi naging sila ni Elmo at sila ay nananatiling magkaibigan.
“Elmo and I were really, really good friends and alam naman lahat ng tao 'yan eh,” aniya.
Pinuri pa niya ito at sinabing sa kabaitan nito at sa angking talento ay bukas siya sa mga posibilidad ng pagkakaroon ng collaboration muli sa pagitan nilang dalawa.
“Tsaka ano talaga, Elmo's a very nice guy. Sobrang talented tsaka if ever magkaroon ng collaboration, I mean, why not, 'di ba?” sabi pa ni Julie Anne.
Matatandaan din na sa episode ni Elmo, nilinaw din niya na hindi naging sila ni Julie Anne noong panahong sila ay magkapareha bilang isang love team.
Pahayag niya, sila ay magkaibigan at nagtutulungan para sa ikabubuti ng kanilang mga karera.
“No. We were very good friends [who] really wanted to help each other, bring our careers up during that time,” ani Elmo.
Nilinaw rin ng aktor na hindi niya niligawan ang aktres. Inihayag din niya na siya lamang ay humahanga sa angking husay at sipag nito pagdating sa pagtatrabaho.
“Not really. We both have the same vision. I really admire her work ethics din, sobrang sipag and responsible ni Julie,” sabi ni Elmo.
Samantala, tinanong din sina Julie Anne at ang kaniyang kasintahang si Rayver Cruz kung pinag-uusapan ba nila ang kanilang mga ex.
Diretsahang “oo” ang sagot ni Julie, ngunit hiningahan ito ni Rayver ng paglilinaw na hindi nila binubuksan ang paksang ito maliban na lamang kung si Julie ang mismong magtanong.
“Hindi siya out of nowhere na nag-reminisce ka lang. Kasi for me, baka hindi ka super super in love sa partner mo,” paliwanag ni Rayver.
Patuloy na suportahan sina Julie Anne at Rayver bilang Clash Masters sa The Clash Teens, tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network!
Related Gallery: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, hindi pabor sa live-in setup