
Kasabay ng kanilang concert na "JulieXStell: Ang Ating Tinig" ngayong July 27 at 28 sa New Frontier Theater, mag-oorganisa sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at SB19 member Stell Ajero kasama ang A'TIN at GMA Kapuso Foundation ng isang donation drive para makatulong sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Carina.
Para sa mga nais mag-donate, maaaring magbigay ng mga de latang pagkain tulad ng sardinas, corned beef, beef loaf, vacuum-packed rice, at noodles. Maaari ring magbigay ng cash at GCash donations.
Noong Miyerkules (July 24), isinailalim sa "state of calamity" ang National Capital Region, maging ang Bataan, Bulacan, Batangas, at Cavite noon namang Huwebes dahil sa malalakas na pag-ulan at naranasang mga pagbaha dulot ng bagyong Carina na pinalakas ng Habagat.
Samantala, bukod sa bigating performances nina Julie at Stell, aabangan din sa kanilang "Ang Ating Tinig" concert ang performances ng special guests na sina Pablo, Rayver Cruz, Gary Valenciano, at Josh Cullen.
Para sa tickets, maaaring bumili sa Ticketnet outlet nationwide o via online sa Ticketnet.com.ph.