
Marami ang napapabilib sa performance ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa high-rating at palaging trending na primetime series na Maria Clara at Ibarra.
Gumaganap ang Sparkle singer-actress bilang si Maria Clara, ang anak ni Kapitan Tiago at kasintahan ni Ibarra na buong husay na ginagampanan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Nitong Lunes, October 10, naging usap-usapan online rin ang napakagandang pagkanta ni Julie Anne sa Latin prayer song na "Ave Maria.”
Pero naalala n'yo pa ba ang trending YouTube video ni Julie Anne kung saan gumawa siya ng cover ng“Super Bass”?
Taong 2011, pinabilib nang husto ng award-winning OPM singer ang netizens sa sarili niyang version ng hit single ni Nicki Minaj. Ang video na uploaded noon sa channel ng Sumata Sounds Studio ay umani ng mahigit 21 million views.
Muling panoorin ang kanyang jaw-dropping rap skills sa video below.
MORE TRIVIA ABOUT JULIE ANNE SAN JOSE HERE:
Samantala, huwag magpapahuli sa mga eksena ng paborito n'yong historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.