Article Inside Page
Showbiz News
Incoming fourth year college ngayong pasukan ang Asia's Pop Sweetheart at kinukuha niya ang kursong Mass Communications sa Angelicum College.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Maraming showbiz commitments ang ipinagsasabay-sabay ngayon ni Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose, pero bahagi niya, gagawa raw siya ng paraan para makapagtapos ng pag-aaral ngayong school year.
READ: Julie Anne San Jose, diretso sa taping ng 'Buena Familia' pagkagaling sa Amerika
Incoming fourth year college ngayong pasukan si Julie Anne at kinukuha niya ang kursong Mass Communications sa Angelicum College.
"Hindi pa kasi ako nakakapag-enroll. Regular school ['yung kinukuha ko]. Sayang kasi isang taon na lang eh. I-push na 'yan para trabaho na lang nang trabaho pagkatapos 'di ba?" Pahayag ni Julie Anne.
Malaki raw ang chance na matapos ni Julie Anne ang kanyang studies kaya't umaasa siya. Aniya, "Hopefully last year na, kung walang problema."
Pero ayon kay Julie Anne, nakikita niyang mahihirapan siya sa kanyang schedule lalo pa ngayong nag-umpisa na ang taping ng kanyang teleserye na
Buena Familia.
READ: Julie Anne San Jose is a spoiled rich kid in 'Buena Familia'
"I actually have no idea kung paano ko magagawa [na i-balance ang studies at career ko] but as much as possible, I'm trying to keep myself busy pa rin and I'm used to it. Time management lang talaga 'yung kailangan," saad niya.
Dahil thrice a week ang taping ng upcoming Afternoon Prime soap, i-a-adjust na lang daw ni Julie ang schedule ng kanyang klase para maiwasan ang conflict.
"Kukunin kong schedule ngayon is Tuesday-Thursday. Tapos, baka kasi 'yung ibang units ko [ay] pewede ko nang kunin online kasi modules kami eh," pagtatapos ng
Buena Familia star.
READ: Julie Anne San Jose, confident na magiging effective ang love team nila ni Jake Vargas