Article Inside Page
Showbiz News
Pero linaw ni Julie Anne, naiintindihan naman niya si Aicelle dahil kasama ito sa pagiging artista.
By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by MARAH RUIZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Madalas mapanood na pinagmamalditahan ni Olga (Aicelle Santos) si Darling (Julie Anne San Jose) sa GMA Afternoon Prime soap na
'Buena Familia.' Lalo pa ngang tumindi ang galit ni Olga dahil unti-unti nang sumisikat si Darling at naikukumpara na ito sa kanya dahil pareho silang singer.
Kuwento ni Julie Anne, sobra na nga raw ang ginagawa ni Olga sa kanyang character. "Sobrang ipinu-put down siya ni Olga to the point na magkakaroon ng isang malaking show or concert then sisirain niya para hindi matuloy. Umaabot na sa ganoong point," saad niya.
Dagdag pa niya, "Medyo may pagka-harsh si Olga. Parang nagkakaroon na ng mga sakitan at sabunutan."
Dahil maraming scenes kung saan sinasaktan siya ni Aicelle, ibinahagi ni Julie Anne na totohanan na raw ang pananakit ng kontrabida ng 'Buena Familia.'
"In fairness kay Ate Aicelle, masakit talaga ['yung pananakit niya]," natatawang sambit ni Julie Anne.
Pero linaw ni Julie Anne, naiintindihan naman niya si Aicelle dahil kasama ito sa pagiging artista. Aniya, "Tolerable naman siya at saka I know it's part of the scene."
"Wala namang problema sa 'kin and I think sobrang effective ng character ni Ate Aicelle. She portrays it really well," pagtatapos ng Buena Familia star.