
Ligtas ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix at kanilang mga kasama matapos mistulang "lumipad" ang isa sa mga gulong ng sinasakyan nilang van.
Nag-perform sina Julie Anne, Ysabel at Miguel sa Pahinungod Festival sa Surigao del Sur at papunta na ng airport sa Butuan City nang mangyari ang insidente.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ysabel ang ilang pictures at video ng insidente ng pagkalas ng gulong mula sa kanilang van at maging ang pag-aayos nito.
Nag-chill muna at kumain ng ice cream sina Julie Anne, Ysabel at Miguel habang iniintay matapos ang repairs.
"Lumipad ang gulong ng kotse namin chronicles ," sula ni Ysabel sa caption ng kanyang post.
Umabot naman sila sa kanilang flight at maayos na nakabalik sa Maynila.
Nakatakdang lumipad patungong San Diego, California sina Miguel at Ysabel ngayong July.
Magiging bahagi kasi sila ng panel ng Voltes V: Legacy sa much-awaited na San Diego Comic-Con (SDCC).
Malapit na ring mapanood sa mga sinehan simula July 26 ang bagong pelikula ni Julie Anne na The Cheating Game kung saan maipapamalas niya ang mas mature na side niya.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA MAKAKASAMA NI JULIE ANNE SAN JOSE SA KANYANG UPCOMING MOVIE NA THE CHEATING GAME: