
Nagpasalamat ang dalaga sa kanyang mga tagasubaybay. Nagbahagi din siya na panibagong video na kuha sa rehearsal para sa kanyang nalalapit na 'In Control' concert.
Ipinagdiwang ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang paglago ng kanyang presence sa social media. Sa kasalukuyan, umabot na ng 500,000 ang followers ang kanyang Instagram account.
Ika-sampung taon na ni Julie Anne sa industriya ngayong 2016. Para i-celebrate ito, magkakaroon siya ng isang anniversary concert na pinamagatang 'In Control.'
Puspusan ang practice niya para sa concert. Narito siya habang nag-eensayo para sa kantang Anaconda ni Nicki Minaj.
Ang 'In Control' ay gaganapin sa Kia Theater sa May 15.
MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:
Julie Anne San Jose wants to be more intimate with fans in upcoming anniversary concert
Julie Anne San Jose's raw graduation picture