GMA Logo julius miguel on prima donnas
What's on TV

Julius Miguel, ginulat ang 'Prima Donnas' co-stars sa tanong niya kay Althea Ablan

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 4, 2020 6:39 PM PHT
Updated August 5, 2020 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

A Christmas nativity scene on display in Port Washington
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

julius miguel on prima donnas


Ano kaya ang itinanong ni Julius Miguel kay Althea Ablan sa episode ng 'Prima Donnas: Watch From Home?'

Nagulat at kinilig ang ilan sa Prima Donnas co-stars nina Althea Ablan at Julius Miguel na nakisaya sa huling episode ng Prima Donnas: Watch From Home noong July 24.

Sa 'Prima Donnas,' love team ang mga karakter nina Althea Ablan at Julius Miguel na sina Donna Belle at Uno. | Source: altheaablans/IG

Si Althea ang nagsilbing host ng kanilang virutal kulitan samantalang si Julius naman ang naging co-host.

Matapos ang kumustahan sa pagitan ng teen stars, napansin ni Julius na kinakabahan si Althea sa kanyang pagho-host kaya sinigurado niyang tutulungan niya ito.

Love team sa Prima Donnas ang mga character nina Althea at Julius na sina Donna Belle at Uno.

“Walang sinabi 'yang kaba mo, kasi tapos ka na mag-host [bilang Donna Belle.]

"Si Althea na ngayon kaya guys, relax lang kayo,” saad ni Julius.

“Sagot kita Althea, ako bahala sa 'yo, sagutin mo lang ako.”

Bigla naman napatawa ang kasama nina Althea at Julius sa online show na sina Jillian Ward, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Will Ashley, at Miggs Cuaderno.

Sagot ni Althea, “Julius, ikaw ang co-host ko ngayon so please, please help me.”

Hindi naman nakapagpigil si Miggs at tinanong si Althea kung ano ang kanyang sagot sa tanong ni Julius.

Aniya, “Sagutin mo kasi si Julius, hindi mo sinagot, e, tinawanan mo lang, e.”

Ano kaya ang magiging sagot ni Althea?

Panoorin ang kanilang nakakatawang eksena sa video na ito: