
Lubos ang pasasalamat ng aktor na si Julius Miguel na natapos na niya ang kanyang pag-aaral ng junior high school bago pa man magdeklara ng enhanced community quarantine noong Marso dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Julius, kaunti na lang ang kinailangan nilang i-submit dahil patapos na rin ang kanilang activity noong Marso.
Kuwento niya, “Suwerte kami actually kasi before magkaroon ng lockdown, before pinatigil ng DepEd 'yung classes, we had a chance to end up our classes.”
“I mean, 'yung mga remaining classes na lang namin, submission na lang ng requirements for clearance, so we didn't really have anything na to discuss.
“So we were really lucky.”
Panoorin ang buong panayam ni Julius Miguel sa Kapuso Showbiz News:
WATCH: Full Playlist Live performance nina Will Ashley, Julius Miguel at Vince Crisostomo
Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel, abala kahit quarantine