
Sa ika-22 linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng grupo nina Jumong at So Seo-no kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang dapat na mamuno sa Goguryeo.
Dahil sa pag-ibig kay Jumong, nais ni So Seo-no na si Jumong ang mamuno sa Goguryeo.
Napagdesisyunan naman ni Jumong na alukin ng kasal si So Seo-no para pamunuan nilang dalawa bilang hari at reyna ang Goguryeo.
Sa araw ng kasal, lingid sa kaalaman ni Jumong na nakatanaw sa malayo at nasaksihan ni Lady Yesoya ang pag-iisang dibdib nila ni So Seo-no.
Please embed: https://drive.google.com/file/d/14T__deOxCp56ot1MGwzeB5TvQKxyMfJF/view?usp=drive_link
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.