
Sa ikalabing anim na linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, ipinarating ng punong babaylan kay Jumong na senyales ang eclipse sa pagbuo nito ng bagong bayan.
Sa pagsapi ng Damul Army, na muling itinatag ni Jumong, sa hukbo ni Heneral Heuk-chi, napatalsik sa kapangyarihan si Prinsipe Daeso.
Sa pagbabalik ni Haring Geum-wa bilang hari, inimbitahan nito si Jumong at ang mga opisyal nito sa Buyeo. Inialok ni Haring Geum-wa kay Jumong ang kaharian ng Buyeo kapalit ng pagbuwag nito sa Damul Army.
Nang tumanggi si Jumong sa alok na ito ni Haring Geum-wa, agad na ipinakulong ni Haring Geum-wa si Jumong at ang mga tauhan nito.
Pinilit namang makatakas ni Jumong sa bilangguan kasama ng mga tauhan nito nang mabalitaang may dumukot sa punong babaylan at maaaring atakihin anumang oras ang kuta nila sa bundok ng Bongye.
Pinatay ng punong ministro ang babaylan at pinaalis naman ni Haring Geum-wa si Prinsipe Daeso sa palasyo.
Sa paglipas ng tatlong taon, patuloy sa pagpapalawak ng teritoryo ang grupo ni Jumong sa pagsakop sa ibang mga tribo.
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.