GMA Logo jumong recap
What's on TV

Jumong: Nalagay sa panganib ang buhay nina Jumong at Haemosu | Week 4

Published July 3, 2023 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

jumong recap


Nalaman na ni Haemosu na si Jumong ay anak ni Haring Geum-wa.

Sa ikaapat na linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, matapos na mapalayas sa palasyo, napunta si Jumong sa sikretong kuweba kung saan siya itinago ng tagapagturo niya ng martial arts na si Musong.Inside link:

Dito, nakita niya si Haemosu kung saan nakakulong na ng 20 taon sa kuweba. Ang hindi alam ni Jumong na ito ang tunay niyang ama.

Sa pananatili sa kuweba, binigyan ni Jumong ng pagkain at maiinom si Haemosu. Dahil sa kabaitang ipinamalas nito, ipinakita sa kanya ni Haemosu ang ilan sa pamamaraan niya sa paggamit ng espada. Hindi naman naiwasang mamangha ni Jumong dahil hindi ito tulad ng mga itinuro sa kanya ni Musong. Kaya naman hiniling ng prinsipe na matuto mula sa dakilang mandirigma.

Samantala, nang malaman kung saan nagtatago si Jumong, agad na nagpunta sa sikretong kuweba sina Daeso at Young Po para patayin si Jumong. Hindi nagtagumpay ang dalawang prinsipe sa plano nilang ito dahil magkatulong na tumakas sina Jumong at Haemosu sa sikretong kuweba.

Nang maabutan nina Daeso at Young Po sa gubat sina Jumong at Haemosu, nasaksak ni Daeso sa tagiliran si Haemosu. Nakatakas ang huli nang masugatan din nito sa balikat si Daeso.

Sa pagtatago, hindi iniwan ni Jumong si Haemosu kahit na pilit na siyang pinapaalis nito. Dito na rin nalaman ni Haemosu na si Jumong ay isang prinsipe, ikatlong anak ni Haring Geum-wa.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes, 3:00 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.