GMA Logo jumong
What's on TV

Jumong: Nalaman na ni Jumong na si Haemosu ang kanyang tunay na ama | Week 7

By Aimee Anoc
Published July 24, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Vincent Co? Get to know Bea Alonzo's husband
Bacolod kicks off drive to prepare schools vs threats
All members of SEVENTEEN renew contracts with Pledis Entertainment

Article Inside Page


Showbiz News

jumong


Ngayong alam na ni Jumong ang katotohanan tungkol sa kanyang ama at kung sino ang pumatay rito, ano kaya ang susunod niyang gagawin?

Sa ikapitong linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, ipinagtapat na ng punong babaylan kay Jumong na si Haemosu ang tunay nitong ama.

Matapos na malaman ang katotohanan, agad na pinuntahan ni Jumong ang ina sa palasyo pero hindi niya ito nagawang komprontahin.

Sa pagbisita kay Haring Geum-wa na siyang kinilala niyang ama, naalala ni Jumong ang sinabi sa kanya ng punong babaylan--na anumang oras ay maaari siyang abandunahin ng hari dahil hindi naman siya nito kadugo. Nalaman din ni Jumong sa punong babaylan na alam ng hari na ang mga kapatid na sina Prinsipe Daeso at Young Po ang pumatay kay Haemosu pero wala itong ginawa.

Samantala, sumang-ayon naman si Jumong sa kagustuhan ni Prinsipe Young Po na huwag nang sumali sa kompetisyon nilang magkakapatid para sa trono, kapalit ng kalayaan ni Bu-young.

Labis na ikinagulat ng mga opisyal at maging ng hari ang pagbitiw ni Jumong sa kompetisyon bilang crown prince. Pilit namang inalam ng hari ang dahilan sa desisyong ito ni Jumong, maging ang ina nitong si Lady Yu-hwa ay labis din ang naging pag-aalala sa biglaang pagsuko nito sa kompetisyon.

Dito na kinumpronta ni Jumong ang ina at inalam ang katotohanan tungkol sa tunay nitong ama. Ipinarating din ni Jumong sa ina ang labis na pagsisisi na hindi man lamang niya nagawang tawaging ama si Haemosu bago ito mamatay.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.