GMA Logo Jumong
What's on TV

Jumong: Nalaman ni Jumong na buhay pa sina Lady Yesoya at Prinsipe Yuri | Week 24

By Aimee Anoc
Published November 13, 2023 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Jumong


Nakita na ni Jumong si Prinsipe Yuri, ang anak niya kay Lady Yesoya.

Sa ika-dalawampu't apat na linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, makalipas ang 15 taon mula ng ikasal sina Jumong at So Seo-no ay mas lumawak pa ang teritoryong nasakop ng Goguryeo.

Lumaki na rin ang mga anak ni So Seo-no na sina Prinsipe Piryu at Prinsipe Onjo na ang kinilalang ama ay si Haring Jumong.

Pinili naman ni Lady Yesoya na lumayo at hindi ipaalam kay Jumong na buhay pa siya at ang anak na si Yuri. Ginawa ito ni Lady Yesoya dahil alam niya ang pagpapahalaga ni Jumong sa kanyang tungkulin.

Nanirahan sa Hilagang Okjeo si Lady Yesoya kung saan sinikap niyang mapag-aral ang anak na si Yuri.

Samantala, ipinadala ni Jumong si Oi sa Hilagang Okjeo para alamin ang nangyari sa trade troop na pinamumunuan ni Prinsipe Piryu. Dito, nakita ni Oi si Lady Yesoya.

Sinabi ni Oi kay Jumong na buhay pa sina Lady Yesoya at Prinsipe Yuri. Nalaman na rin ni So Seo-no na buhay ang mag-ina.

Matapos na manalo sa martial arts laban kay Prinsipe Piryu at mahanap ang tanda na magpapatunay na anak siya ni Jumong, ipinagtapat na ni Yesoya kay Yuri na si Jumong ang ama nito.

Sa Goguryeo, nagkita na sina Jumong at Yuri. Kalaunan ay kinuha na rin ni Jumong si Yesoya sa Buyeo.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.