
Sa ikalabing apat na linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, nang malaman ni Prinsipe Daeso ang pagtatag ni Jumong ng kuta sa bundok ng Bongye, kung saan muli nitong binuo ang Damul Army, ginawa nitong bihag sa palasyo sina Lady Yuhwa, ina ni Jumong; at Lady Yesoya, na nagdadalang-tao na sa anak ni Jumong.
Binigyan ng labinlimang araw ni Prinsipe Daeso si Jumong para sumuko at mailigtas ang buhay ng pamilya nito.
Patago namang bumalik sa palasyo si Jumong para malaman ang kalagayan ng ina at asawa. Mas pinili rin ni Lady Yesoya na maiwan sa palasyo para maprotektahan si Lady Yuhwa.
Dahil sa desisyong ito ni Lady Yesoya, pinutol ni Jumong ang espada nito at iniwan bilang tanda ng kanilang magiging anak.
Samantala, dahil sa masasamang nangyayari sa Buyeo sa ilalim ng pamumuno ni Prinsipe Daeso, pinayuhan na ng punong ministro si Haring Geum-wa na bumalik na sa tungkulin nito bilang hari.
Kapalit ng tulong ng punong ministro kay Haring Geum-wa ang ilang mga kasunduan. Una, kapag nabawi na ni Haring Geum-wa ang kanyang kapangyarihan, kinakailangan nitong paunlarin ang ugnayan ng Buyeo at Emperyo ng Han. Pangalawa, kinakailangang talikuran ng hari si Jumong.
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.