GMA Logo jumong
What's on TV

Jumong: Pagbabalik ni Jumong sa palasyo matapos ang digmaan | Week 11

Published August 22, 2023 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

jumong


Ano kaya ang naghihintay kay Jumong sa pagbabalik sa palasyo?

Sa ikalabing isang linggo ng Jumong, ipinagpasa-diyos na ng mga babaylan ang kritikal na kalagayan ni Haring Geum-wa matapos na mapana ito sa digmaan.

Dahil sa kalagayan na ito ng hari, sa suporta ng punong ministro ay pinamahalaan na ni Prinsipe Daeso at ng emperatris ang Buyeo.

Samantala, natagpuan naman ng pinuno ng tribo ng Hanbaek si Jumong na palutang-lutang sa ilog at iniligtas. Ang anak naman nitong si Yesoya ang nag-alaga kay Jumong hanggang sa manumbalik ang lakas nito.

Isinama ni Jumong si Yesoya sa Buyeo at patagong pumunta sa palasyo para makita ang inang si Lady Yuhwa. Nalaman na rin ni So Seo-no na buhay si Jumong. Inside link:

Sa pagbabalik sa Gyeruh, inanunsyo na ni Yuntabal ang pagbaba niya sa pwesto at pagtatalaga kay So Seo-no bilang bagong pinuno ng kanilang tribo.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.