GMA Logo Jumong
What's on TV

Jumong: Pagkamatay ni Haemosu | Week 5

By Aedrianne Acar
Published July 10, 2023 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Vincent Co? Get to know Bea Alonzo's husband
Bacolod kicks off drive to prepare schools vs threats
All members of SEVENTEEN renew contracts with Pledis Entertainment

Article Inside Page


Showbiz News

Jumong


Sa muling pagkikita nina Haemosu at Lady Yuhwa, nalaman na ng una na anak niya si Jumong.

Sa ikalimang linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, matapos ang mahabang panahon ay muli nang nagkita sina Haemosu at Lady Yuhwa. Nalaman na rin ni Haemosu na anak niya si Jumong.

Nakiusap naman ang dakilang mandirigma kay Lady Yuhwa na huwag nang ipaalam kay Jumong na siya ang tunay nitong ama dahil para kay Haemosu hindi siya karapat-dapat na matawag na ama nito.

Kahit na nais ni Lady Yuhwa na makasama si Haemosu, ang huli na rin ang tumanggi dahil magiging banta lamang siya sa Buyeo, kay Haring Geum-wa, at maging kina Lady Yuhwa at Jumong. Dahil na rin sa kasunduan nila ng punong babaylan, kinakailangang umalis ni Haemosu sa Buyeo matapos ang pagkikita nila ni Lady Yuhwa.

Hindi naman naiwasan ni Haemosu na maging emosyunal nang muling maghagkan ang anak na si Jumong. Patuloy rin niyang tinuruan ito ng tamang pagpana.

Sa pag-alis ni Jumong para bisitahin ang kanyang ina, dito naman sinugod nina Prinsipe Daesu at Young Po ang bahay na pinagtataguan nila ni Haemosu. Kahit na nais ni Jumong na tulungan si Haemosu sa pakikipaglaban, hindi niya ito magawa dahil na rin sa pagpigil sa kanya ng mga kaibigan. Dito na rin tuluyang binawian ng buhay si Haemosu.

Patay na nang madatnan nina Haring Geum-wa at Lady Yuhwa si Haemosu. Pinaimbestigahan naman ni Haring Geum-wa ang nangyaring pagpatay kay Haemosu at dito na niya nalaman na kagagawan ito nina Prinsipe Daesu at Young Po.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.