
Sa ikatlong linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, nalaman nang ikinulong ng punong babaylan na si Yeo Mi-eul sa isang tagong kuweba si Haemosu, kung saan 20 taon na itong nakakulong.
Ang hindi alam ng punong ministro at ng punong babaylan ay rito rin isinagawa ni Musong ang pagtuturo ng martial arts at espada kay Jumong.
Kinaibigan naman ni Jumong si Mopalmo, ang pinuno ng pagawaan ng espada ng Buyeo. Dito, tinuruan siya ng huli na gumawa ng sarili niyang espada.
Sa pagdating ng bagong gobernador ng Hyunyo na si Yangjung sa Buyeo, sa kabila ng dating pinagsamahan nila ni Haring Geum-wa, hiniling nito na itigil ng Buyeo ang paggawa ng espada. Ito ay matapos na makabuo si Mopalmo ng bagong espada na aniya ay mas matibay kaysa sa espada ng mga Han.
Agad namang ipinag-utos ni Haring Geum-wa sa punong ministro na isarado ang pagawaan at itago ito sa mga tauhan ni Yanjung. Pero, nabisto rin ito nang sumabog ang pagawaan habang ginagawa ni Jumong ang una niyang espada.
Dahil sa nangyari, pinaalis ni Haring Geum-wa si Jumong sa palasyo. Sa paglabas sa palasyo, naloko at nanakawan si Jumong at matapos nito ay may mga lalaking nagtangka rin sa buhay nito.
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.