
Sa ika-12 linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, pinagtangkaan ni Prinsipe Young Po ang buhay ni Prinsipe Daeso matapos na malamang siya ang ipadadala ng huli sa Kapitolyo ng Han.
Dahil sa ginawang pagligtas ni Jumong kay Prinsipe Daeso mula sa mga gustong pumatay rito, pinagkatiwalaan siya ng huli bilang bagong pinuno ng buong kasundaluhan ng Buyeo.
Nang makuha ang tiwala ni Prinsipe Daeso, nagawa ni Jumong na makabuo ng isang malaking grupo ng mga dating taga-Gojoseon sa bundok ng Bongye, kung saan nagtatag sila ng kuta at muling binuo ang Damul Army.
Nang malaman ito ni Daeso, ginawa niyang bihag sa palasyo sina Lady Yuhwa, ina ni Jumong, at Lady Yesoya, na nagdadalang-tao na sa anak ni Jumong.
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.