GMA Logo Jumong
What's on TV

Jumong: Pakikipag-alyansa ni Jumong kay Daeso | Week 26

By Aimee Anoc
Published November 28, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Jumong


Magtagumpay kaya sina Jumong at Daeso laban sa emperyo ng Han?

Sa ika-dalawampu't anim na linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, sa kahilingan ni Haring Geum-wa, pumayag ng makipag-alyansa si Daeso sa Goguryeo, na pinamumunuan ni Jumong, laban sa mga Han.

Nalaman ni Gobernador Hwang ang alyansa sa pagitan ng Goguryeo at Buyeo laban sa mga Han. Bago magsimula ang digmaan, nagpadala siya ng mahuhusay na mandirigma para pasukin ang Goguryeo.

Nagpadala naman si Daeso ng mga panday sa Goguryeo bilang parte ng kasunduan nila ni Jumong.

Samantala, natuklasan ni So Seo-no ang balak na pag-ambush nina Yuncheryung at Yangtak kay Jumong kaya naman agad niyang pinakilos ang kanyang hukbo at pinigilan ito. Pero ikinagulat ni So Seo-no nang malamang sangkot ang anak na si Prinsipe Piryu sa planong ito.

Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Jumong, 3:00 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.