GMA Logo jumong recap
What's on TV

Jumong: Pangunguna ni Jumong sa digmaan | Week 10

Published August 14, 2023 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

jumong recap


Itinalaga ng hari si Jumong bilang heneral na mangunguna sa digmaan ng Joseon laban sa Jinbeon at Imdon

Sa ikasampung linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, itinalaga ni Haring Geum-wa si Jumong bilang heneral na mangunguna sa digmaan ng Joseon laban sa karatig lalawigan nitong Jinbeon at Imdon. Sumang-ayon si Haring Geum-wa sa planong digmaan ni Jumong para mailigtas ang dating mga taga-Joseon.

Sa kabila ng pagtutol ng emperatris sa planong digmaan ni Jumong laban sa Jinbeon at Imdon, maraming mamamayan ang nagpaabot ng suporta sa ninanais ni Jumong at sumama sa digmaan.

Maging ang pinuno ng Gyeruh na si Yuntabal at ang anak nitong si So Seo-no ay nag-alok na rin ng kanilang suporta sa hari sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga sundalo sa digmaan.

Sa pag-alis ni Jumong kasama ang daan-daang mga sundalo, nagtaksil si Daeso at sinabi ang planong digmaan ng Buyeo sa gobernador ng Hyunto na si Yanjung.

Labis naman ang naging pag-aalala ng hari nang mabalitaan ang pagdating ng mga sundalo ng Liaodong para suportahan ang hukbo ni Yanjung. Dahil dito, mismong si Haring Geum-wa na ang pumunta sa digmaan para tulungan si Jumong.

Kritikal ang naging kalagayan ng hari matapos na mapana sa pakikipaglaban, habang patuloy namang pinaghahanap si Jumong ng kanyang mga tauhan at ni So Seo-no, matapos itong mawala sa laban.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes, 3:00 p.m.; at Sabado, 2:30 p.m., sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.