GMA Logo Jumong recap
What's Hot

Jumong: Pineke ni Jumong ang sariling kamatayan | Week 18

By Aimee Anoc
Published October 9, 2023 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Jumong recap


Magtagumpay kaya si Prinsipe Daeso sa planong pagpatay kay Jumong?

Sa ikalabing walong linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, nagpadala ng espiya si Prinsipe Daeso sa Gyeruh para bantayan ang kilos ng Damul Army at Jolbon.

Ipinadala rin ni Prinsipe Daeso sa Gyeruh si Bubunno, mahusay na mandirigma ng Buyeo, para patayin si Jumong.

Sa pagbalik sa Buyeo, sinabi ni Bubunno kay Prinsipe Daeso na nagtagumpay siya na patayin si Jumong. Kasabay nito ang pagkawala ni Jumong sa Julbon para mapaniwala ang kalaban sa kuwento ni Bubbuno.

Dahil sa patuloy na pagharang ng Buyeo at Emperyo ng Han sa pagpasok ng anumang suplay sa Jolbon, mas tumindi ang problema sa Jolbon dahil dumagdag pa rito ang pagkalat ng sakit sa kanilang mga tribu.

Sa pag-aasam na makatulong sa hirap na nararansan ng Jolbon, nagboluntaryo si So Seo-no na sumama sa mga pirata papuntang timog para makahanap ng pagkain at iba pang suplay na kakailanganin ng Jolbon. Ipinangako rin ni So Seo-no kay Jumong na babalik siyang ligtas.

Hindi naman binigo ni So Seo-no si Jumong at nakabalik ng ligtas dala ang mga suplay na makakatulong sa Jolbon.

Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes (3:00 p.m.), at Sabado (2:30 p.m.) sa GTV.

Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.