What's Hot

JUST IN: Rica Peralejo confirms pregnancy after miscarriage

By Jansen Ramos
Published January 22, 2019 4:21 PM PHT
Updated January 22, 2019 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Kinumpirma ng dating aktres na si Rica Peralejo sa kaniyang vlog ngayong araw, January 22, na siya'y muling nagdadalang-tao .

Kinumpirma ng dating aktres na si Rica Peralejo sa kaniyang vlog ngayong araw, January 22, na siya'y muling nagdadalang-tao .

Rica Peralejo
Rica Peralejo

Maaalalang noong 2016 ay nalaglag ang kaniyang ipinagbubuntis na sana'y ikalawang anak nila ng kaniyang asawang pastor na si Joseph Bonifacio.

Nagkaroon ng spekulasyon na siya ay buntis matapos siyang mag-post sa Instagram ng kaniyang larawan kung saan makikitang malaki ang kaniyang tiyan. Biro niya sa caption, "Oo, totoo po ang mga balita na bu....sog po ako."

Sa naturang post din niya sinabi na panoorin ang kaniyang vlog para malaman kung totoo ba ang balitang nagdadalang-tao siya.

"For a more serious account of my growing tummy, a vlog about it will be out on my YouTube channel by 4pm today," sulat niya.

Oo, totoo po ang mga balita na bu....sog po ako.😁😁😁 For a more serious account of my growing tummy, a vlog about it will be out on my youtube channel by 4pm today. Link is in profile! ⭐️ #mamawonders

A post shared by Mrs.Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo) on

Base sa vlog, four and a half months pregnant na si Rica sa kaniyang rainbow baby. Nalaman daw nila ito ng kaniyang asawa noong kalagitnaan na ng Oktubre.

Alamin ang buong detalye rito:

Isinilang ni Rica ang kaniyang unang anak na si Philip noong January 2014.