
Ang sarap magbalik-tanaw sa ating first love kasama ang digital channel na I Heart Movies.
Tampok kasi rito ang Just One Summer na pinagbidahan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.
Si Elmo ay si Daniel, isang binatang mapipilitang sumama sa farm ng kanyang estranged father. Lalong walang gana si Daniel na magpalipas ng kanyang summer vacation sa farm dahil kasama pa nila ang bagong girlfriend ng kanyang ama.
Sa kanyang pag-iwas sa ama at girlfriend nito, makikilala niya si Beto, ang karakter ni Julie Anne. Galing man sa mahirap na pamilya, matalino at very optimistic si Beto. Siya na ba ang magiging susi sa magandang summer ni Daniel?
Abangan 'yan sa Just One Summer, October 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa horror films, nariyan ang The Diplomat Hotel na pinagbidahan ni Gretchen Barretto.
Iikot ang kuwento nito sa isang TV reporter na sinisikap na pasiglahin muli ang kanyang lumamlam na career sa pamamagitan ng paggawa ng documentary tungkol sa Diplomat Hotel sa Baguio.
Kasama ang kanyang crew, magpapalipas sila ng gabi sa hotel na kilala bilang isa sa mga tinaguriang "most haunted" na lugar sa Pilipinas.
Abangan ang The Diplomat Hotel, October 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.