
Ang sarap magbalik-tanaw sa ating first love kasama ang digital channel na I Heart Movies.
Tampok kasi dito ang Just One Summer na pinagbidahan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.
Si Elmo ay si Daniel, isang binatang mapipilitang sumama sa farm ng kanyang estranged father. Lalong walang gana si Daniel na magpalipas ng kanyang summer vacation sa farm dahil kasama pa nila ang bagong girlfriend ng kanyang ama.
Sa kanyang pag-iwas sa kanyang ama at girlfriend nito, makikilala niya si Beto, ang karakter ni Julie Anne. Galing man sa mahirap na pamilya, matalino at very optimistic si Beto. Siya na ba ang magiging susi sa magandang summer ni Daniel?
Abangan 'yan sa Just One Summer, March 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ring palampasin ang Dance of the Steel Bars na pinagbidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.
Inspired by the Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.
Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.
Abangan ang Dance of the Steel Bars, February 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.