
Muling napahamak ang buhay ni Stephanie (Matt Peranee) nang maaksidente siya habang nagshu-shooting ng pelikula.
Agad na hinala ni Justin (Nadech Kugimiya) na si Derrick ang may kasalanan nito kaya binantaan niya ang nauna gamit ang kanyang super powers.
Kaya lang, hindi ito magawang gawin ni Justin ito dahil kung patayin niya si Derrick ay mamamatay rin siya.
Matuloy kaya ang balak ni Justin? Ano'ng gagawin ni Derrick sa impormasyong ito?
Dahil sa hindi pag-amin ng alien tungkol sa kanyang nararamdaman, gusto na ni Stephanie na mag move on na sa kanyang buhay dahil wala naman daw kapupuntahan ang kanilang relasyon.
Pero gamit ang isang halik, naipahayag na rin ni Justin ang tunay niyang naramramdaman para sa dalaga.
Panoorin ang nakakakilig na eksena na ito:
Patuloy na panoorin ang My Love From Another Star tuwing gabi, Lunes hanggang Huwebes, sa GMA Telebabad.