GMA Logo SB19 Justin
Photo by: Aimee Anoc
What's Hot

Justin ng SB19 gustong maging aktor?

By Aimee Anoc
Published February 28, 2024 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Justin


SB19's Justin sa pagsabak sa acting: "Kasi nu'ng na-experience ko po siya (acting), it's a new world. Ibang-iba po siya sa environment ng music na part. Gusto kong ma-experience more."

Pormal nang sinimulan ng SB19 member na si Justin de Dios ang kaniyang solo career sa pamamagitan ng isang private launch para sa una niyang single, ang "Surreal," na ginanap noong Martes, February 27, sa Novotel Manila, Araneta City.

Sa nasabing event, una nang ipinasilip ni Justin sa press ang music video para sa "Surreal" at kinanta rin niya ito ng live.

Bukod sa debut single, ibinahagi rin ng SB19 member ang mga plano sa kaniyang solo career at maging ang kagustuhan niyang maging isang aktor.

"After po ng release pupunta po ako sa mga events and guestings po, and hopefully po 'yung gusto ko po sanang mangyari na ma-venture ko rin po 'yung iba't ibang parts ng entertainment industry other than music," ani Justin.

"Ngayon, siyempre promote tayo ng songs. Pero afterwards sana po ma-experience ko more 'yung acting and directing, so sana po makapasok po sa film industry.

"Kasi nu'ng na-experience ko po siya (acting), it's a new world. Ibang-iba po siya sa environment ng music na part. So gusto ko pang i-try, gusto ko pang tingnan 'yung bigger picture kasi cameo lang po ako nu'ng time na 'yun. Gusto kong ma-experience more," dagdag nito.

Noong Enero, nagkaroon ng cameo si Justin sa isang Kapamilya series, na kaniya ring acting debut. Sabi niya, "Super na-overwhelm ako and thankful. Sana po magkaroon pa ko ng projects."

Ayon kay Justin, kung sakaling mabigyan ng pagkakataon ay bukas siya na makatrabaho ang kahit na sinong artista.

"Honestly kahit sino po, open [naman ako]. Basta siguro po... what I can say about it is something na deserve ko.

"Not just because na gustong-gusto ko lang siya or tinry kong kunin but then at least deserve ko 'yung magiging role ko. Kung may ka-partner man ako or ka-work it's something din na parang deserve ko siyang makatrabaho."

Kung papipillin naman ng klase ng drama, gusto niyang maging parte ng isang coming-of-age na drama kung saan biro niya, "Basta ang importante po mamamatay ako sa ending."

Samantala, mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms ang "Surreal" at mapapanood na ang music video nito ngayong Huwebes, February 29.

MAS KILALANIN SI JUSTIN DE DIOS SA GALLERY NA ITO: