GMA Logo Carmina Villarroel, Dina Bonnevie, Klea Pineda, Jillian Ward
What's on TV

Justine, handa na bang makausap ang ina na si Giselle?

By EJ Chua
Published January 8, 2024 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel, Dina Bonnevie, Klea Pineda, Jillian Ward


Ito na ba ang tamang pagkakataon para magkaayos sina Giselle at Justine? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Patuloy na nakasubaybay ang Abot-Kamay Na Pangarap viewers sa kwento nina Giselle at Justine, ang mga karakter nina Dina Bonnevie at Klea Pineda sa naturang hit GMA series.

Ngayong Lunes, January 8, 2023, mapapanood ang isang eksena kung saan muling magkakatagpo sina Giselle at Justine.

Habang nasa event ang mga apo ni Lolo Pepe (Leo Martinez) na sina Analyn (Jillian Ward) at Justine, darating si Giselle.

Labis itong ikakagulat ni Justine dahil hindi niya inaasahan na sinabi ni Analyn sa kanyang ina na magkasama sila sa isang event para sa charity na tinutulungan ni Lolo Pepe.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Justine sa muling paghaharap nila ni Giselle?

Handa na ba ang una na pakinggan ang mga paliwanag ng huli tungkol sa nakaraan?

Magkaayos na kaya ang mag-ina?

Magalit kaya si Justine sa ginawa ng kanyang pinsan na si Analyn?

Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episodes ng serye.

Samantala, silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Lunes ng hapon sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: