
Ibinahagi ni actress-comedienne K Brosas na tinamaan at naka-recover na siya sa COVID-19.
Sa kanyang Facebook post noong Biyernes, April 9, inilahad ni K Brosas na sumailalim siya sa 17 araw na quarantine bagamat mild lamang ang mga sintomas na naramadaman niya.
Source: kbrosas (Instagram)
“After 17 days of isolation, thank you Lord negative na! yes nagka covid ako. Mild symptoms lang pero iba po yung mental torture o praning feels,” panimula niya sa lengthy post niya sa social media.
Bagamat bahagya lamang ang sintomas, naging mabigat naman para kay K ang pakalmahin ang kanyang isipan lalo na dahil ang inaalala niya ay ang pamilya niya.
Humiwalay si K sa kanyang mga kasama sa bahay at pansamantalang nanatili sa isang condo unit.
“Buti sanay ako mag-isa hehe pero iba din yung ang daming stress tapos dumagdag pa to at nag ecq uli. Buti na lang din walang taping at work muna para sa safety ng lahat,” aniya.
Dagdag ng komedyante, hindi biro ang mag-isa lalo na kung may alalahanin at nagpositibo siya sa nakamamatay na COVID-19.
“Kahit sanay kang mag isa iba pag may dinadala ka na ganyan.
"Yung simpleng at normal kong pagluluto di ko nagawa kc ako lang kakain hehe, pero sobrang vitamins galore kahit lagi na naman mula ng nagsimula ang covid.
“Iniisip ko na lang na maswerte ako at mild lang, ang daming kawawa, iba dinadala sa isolation facility o hospital na ngayon puno na at buong pamilya damay,” dagdag pa niya.
Source: kbrosas (Instagram)
Mabuti na lamang umano at negatibo sa virus ang pamilya at ang driver niya. Hindi naman nakaligtas sa COVID-19 ang personal assistant niya na ngayon ay naka-recover na rin sa sakit.
“Ako mag isa sa condo na maswerte pa din talaga, pero sobrang kabado ako para sa driver ko, kay manang at sa anak ko, buti lahat negative. Kami lang talaga ng assistant ko (na negative na din!),” aniya pa.
Dahil sa sinapit, muling pinaalalahan ni K ang publiko na seryosohin ang COVID-19 at maging responsableng mga mamamayan.
“Anyway, hindi po biro tong virus na to, doble ingat. Kung malakas katawan mo o tingin mo kakayanin mo isipin mo yung mga di kakayanin na mahahawa mo.
“Social responsibility na lang at wag kalimutan na yung mental health mo apektado sobra.
"Salamat sa Diyos na kahit ano pa man nangyari saken, mas pinalakas ako at patuloy na lumalaban lang! Sensya na di nako nakapag-vlog chos. Be safe and be healthy!” pagtatapos niya.
Nitong mga nakaraang linggo ay muling lumaki ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, muling ipinatupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa ilang high-risk area.
Narito ang listahan ng mga celebrity na tinamaaan at naka-recover sa COVID-19: