
Sa pagpapatuloy ng istorya ng 'Girl Detective Park Hae-Sol' sa K-Drama Special Stories, patindi na ng patindi ang ginagawang pagmamanman ni Park Hae-Sol sa mga kahina-hinalang tao na may kaugnayan sa nangyaring trahedya.
Isa na rito si Prosecutor Yu na tila may dalang mabigat na impormasyon na makatutulong sa nireresolbang kaso ng mga detective.
Dahil dito, buong tapang na susuriin ni Park Hae-Sol at ng kanyang kaibigan ang bawat kilos nito.
Kapansin-pansin na hindi hadlang ang pagiging babae ni Park Hae-Sol sa pagsusuri nito sa bawat impormasyong kailangan niyang malaman.
Buong tapang niyang sinusundan ang mga taong alam niyang sangkot sa trahedya na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.
Kung ang ilan ay nabubulag pa sa katotohanan, si Park Hae-Sol ay lubos na kakaiba.
Kahit mapanganib, desidido siyang malaman ang bawat detalye sa buhay ng mga taong tinitingala ng madami ngunit may itinatagong kasamaan at mga sikreto.
Sa pagmamanman ni Park Hae-Sol kay Prosecutor Yu, iba't ibang pamilyar na tao pa ang kanyang makikilala na posibleng may inililihim din.
Ano nga ba ang bagong ebidensyang kanyang madidiskubre?
Ano pa kaya ang mga kayang gawin ni Park Hae-Sol sa ngalan ng hustisya?
Huwag palampasin ang iba pang nakakakabang tagpo sa 'Girl Detective Park Hae-Sol' na handog ng K-Drama Special Stories, mapapanood mamaya, 9 p.m., sa GTV.
Panoorin ang K-Drama Special Stories at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Samantala, kilalanin sa gallery na ito ang cast ng 'Mr. Queen,' ang Korean drama series na kasalukuyang nagpapakilig sa mga Kapuso mula Lunes hanggang Huwebes.