
Mapapanood na bukas ang Korean drama series na The Taste of Curry sa ikalimang episode ng K-Drama Special Stories .
Pagbibidahan ito ng mahuhusay na artista na sina Jeon Hye-Bin at Hyun Woo.
Iikot ng istorya sa struggling business ni Jeon Hye-Bin na gaganap bilang si Yu-Mi.
Habang patuloy na nagsisikap sa pamamagitan ng natapos na kurso, isang lalaki ang kanyang makikilala.
Makakatambal niya rito ang Korean actor na si Hyun Woo na gaganap naman bilang si Gyeong-Pyo.
Ano kaya ang naghihintay na buhay para sa isang babaeng gagawin ang lahat para sa kanyang negosyo at sa isang lalaki na gagawin naman ang lahat upang matulungan ang isang restaurant owner.
Huwag palampasin ang kakaibang kwento ng pag-ibig sa The Taste of Curry, ang espesyal na handog ng K-Drama Special Stories.
Abangan ang nakakakilig na tambalan nina Jeon Hye-Bin at Hyun Woo, mapapanood bukas, 9 p.m., sa GTV.
Panoorin ang K-Drama Special Stories at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Samantala, kilalanin ang Pinoy celebrities na may kahawig na Korean stars sa gallery na ito:
--