
Ngayong bagong taon, isang Korean drama na naman ang inihahandog ng GTV.
Mapapanood na bukas ang Middle School Student A sa ikaanim na episode ng K-Drama Special Stories .
Pagbibidahan ito ng Korean stars na sina Kwak Dong-Yeon at Lee Yeol-Eum.
Mapapanood sina Kwak Dong-Yeon at Lee Yeol-Eum bilang sina Lee Hae-Jun at Jo Eun-Seo, ang dalawang estudyanteng magiging magkatunggali sa kanilang school activities.
Habang patuloy na nakikipagkumpetensya sa isa't isa sa eskwelahan, tila magbabago ang ihip ng hangin sa pag-amin na gagawin ni Lee Hae-Jun tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Jo Eun-Seo.
Posible nga bang mahulog ang loob nila sa isa't isa sa kabilang ng madalas na pagtatalo tungkol sa kanilang pag-aaral?
Sabay-sabay nating abangan ang kakaibang istorya ng pangarap at pag-ibig sa K-Drama Special Stories: Middle School Student A, mapapanood na bukas, January 1, 2022, 9:00 p.m., sa GTV.
Panoorin ang K-Drama Special Stories at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Samantala, kilalanin ang Pinoy celebrities na may kahawig na Korean stars sa gallery na ito: