GMA Logo Nam Ji Hyun
What's on TV

K-Drama Special Stories: Nam Ji Hyun, mapapanood sa 'Girl Detective Park Hae-Sol'

By EJ Chua
Published November 26, 2021 4:38 PM PHT
Updated November 27, 2021 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Nam Ji Hyun


Abangan ang role ni Nam Ji Hyun sa 'K-Drama Special Stories: Girl Detective Park Hae-Sol,' mapapanood bukas sa GTV.

Mapapanood ang Korean Actress na si Nam Ji Hyun sa ikaapat na episode ng K-Drama Special Stories sa GTV.

Nagsimula si Nam Ji Hyun sa entertainment industry bilang isang child star at ngayon ay isa na siya sa pinakamahusay na leading ladies sa ilang Korean drama series at movies.

Minahal siya ng mga manonood sa kanyang previous roles sa East of Eden (2008), Queen Seondeok (2009), To the Beautiful You (2012), Angel Eyes (2014), What Happens to My Family? (2014), Suspicious Partner (2017), 365: Repeat the Year (2020), at marami pang iba.

Dahil sa natatanging husay sa pag-arte, ilang awards ang kanyang nakuha, tulad na lang ng Best Young Actress Award para sa East of Eden at Queen Seondeok.

Bukas ay mapapanood si Nam Ji Hyun sa isang episode ng K-Drama Special Stories, ang Girl Detective Park Hae-Sol.

Gaganap siya dito bilang isang matapang at matalinong babae na gagawin ang lahat upang matukoy at isiwalat ang katotohanan tungkol sa isang trahedya na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Huwag palampasin ang nakakaantig na kuwento ng kanyang buhay sa 'Girl Detective Park Hae-Sol,' ang pang-apat na episode ng K-Drama Special Stories, mapapanood bukas, 9 p.m., sa GTV.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito ang cast ng 'Mr. Queen,' ang Korean drama series na kasalukuyang nagpapakilig sa mga Kapuso mula Lunes hanggang Huwebes.