GMA Logo To All Nations (TAN)
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

K-pop group TAN performs their song 'Heartbeat' on 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published September 7, 2023 7:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

To All Nations (TAN)


Isang masayang performance ang hatid ng K-pop boy group na TAN sa 'It's Showtime.'

Naghatid ng saya ang Korean boy group na TAN sa noontime program na It's Showtime ngayong Huwebes, September 7.

Related content: Meet the rising K-pop group TAN

Isang electrifying performance ang inihandog ng naturang K-pop group sa madlang people nang awitin at sayawin nila ang kanilang track na “Heartbeat.”

Matapos ang kanilang performance, nagpakilala ang pitong miyembro ng grupo na sina Changsun, Jooan, Jaejun, Sunghyuk, Hyunhyeop, Taehoon, at Jiseong gamit ang Filipino language. Binati rin ng TAN ang audience at sinabi ang iconic line na “What's up, Madlang People.”

Ayon pa sa rising K-pop group, bumalik sila sa Pilipinas dahil na-miss nila ang kanilang Pinoy fans.

“Kasi last time nung pumunta sila sa Pilipinas, nag-promise daw sila sa fans nila na babalik sila,” pag-translate ni Ryan Bang para sa grupo.

Kumasa rin ang TAN sa trending dance craze na “Mini Miss U.”

Ang TAN, o To All Nations, ay isang project boy group sa ilalim ng Think Entertainment. Ang nasabing grupo ay nabuo sa pamamagitan ng MBC survival audition show, Extreme Debut: Wild Idol noong December 2021.

Magkakaroon ng mall shows ang TAN sa Market! Market! Mall sa Taguig sa September 8, sa TriNoma, Quezon City sa September 9, at sa SM City CDO Downtown sa Cagayan De Oro sa September 10.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.

Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.