Hulaan niyo mga Kapuso. Sino ang K-pop star ang makakasama ni Steffi Cheon sa 'My Love from the Star?'
By EUNICIA MEDIODIA
Sa The Kilig Ending ng My Love from the Star, isang K-Pop idol ang a-attend sa red carpet ng My Love from the Star. Sino ang K-Pop idol na ito?
Pinabalik ni Steffi si Matteo sa kanyang pinanggalingan dahil gusto nitong mailigtas ang buhay niya. Masakit man, pumayag na rin si Steffi. Ganoon niya kamahal ang alien na napamahal na sa buong mundo pati na rin sa Pilipinas. Makakabalik pa ba si Matteo sa piling ni Steffi?
Sa pagkawala ni Matteo, na-depress si Steffi. Hindi na ito masigla tulad ng dati. She always thinks of Matteo at nahihirapan si Steffi mag-move on. Hanggang kailan siya magiging ganito?
Bumalik na ang kinang ng isang superstar, gumaganda na ang career ni Steffi Cheon. Dahil dito, makakasama si Steffi sa red carpet. Star-studdend ang event. Sino kaya ang mga naimbitahan sa big event na ito?
Alamin kung sino ang K-Pop idol na magpapakita sa red carpet ng My Love from the Star: The Kilig Ending.