
Magkasama sina Nickhun at Alexander Lee sa international edition ng Korean variety show na One Night Food Trip, kung saan sa Pilipinas nag-shoot ang dalawa. Mapapanood din sa show ang mga Filipina actresses na sina Ciara Sotto at Danica Sotto-Pingris.
Sa isang interview with selected media outlets, tinanong si Nichkhun kung may balak na ba siyang mag-teleserye or magkaroon man lang ng isang project sa Pilipinas.
Aniya, "I want to meet all the fans in every country. If I could [be part of the cast of a Pinoy drama,] I'd love to." Ika naman ni Xander, ang lead star ng GMA Telebabad romcom na My Korean Jagiya, "It would be so much fun [if you could star in a Filipino show.]"