GMA Logo Jerome Santiago at Jorizel Nicoyco
Source: kapusomojessicasoho/IG
What's Hot

Ka-look-alike ni Song Joong-ki at ang babaeng kumuha ng video niya, nagkita na!

By Kristian Eric Javier
Published July 20, 2023 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jerome Santiago at Jorizel Nicoyco


Tunghayan ang pagkikita ng ka-look-alike ni Song Joong-Ki at ng kumuha ng video niya sa jeep dito.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang video kung saan makikita ang isang lalaki na may hawig sa sikat na Korean actor na si Song Joong-Ki. Nitong nakaraang Sabado, ang kumuha ng video na si Jorizel Nicoyco at ang kinunan niyang si Jerome Santiago, nagkita na sa wakas.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ipinaliwanag ni Jorizel kung bakit niya kinunan ng video si Jerome. Ayon sa dalaga, bilang malaking fan ng mga K-drama, ay kinilig siya nang makita ang ka-look-alike ni Song Joong-Ki.

“Pinatong ko lang po 'yung phone ko sa lap ko, para po makita rin ng mga kapatid ko na nanonood din ng K-drama. Tinitingnan ko lang po siya ng pasulyap-sulyap,” sabi nito.

Ang hindi inaasahan ni Jorizel ay nang i-post ng kaniyang kaibigan ang naturang video sa isang group chat ay biglang naging viral.

Na-interview din ng KMJS si Jerome, na isang seaman na kakadaong lang ang sinasakyang cargo vessel sa port ng Bacolod.

Ayon sa binata, nagulat din siya ng may nagsabing viral na siya sa Tiktok bilang kamukha ng sikat na Korean actor. Hindi nagtagal, nakatanggap si Jerome ng message mula kay Jorizel.

“Baka ayaw niya po na pinost ko siya. Hinahanap ko nga po, at first po talaga, kinabahan po talaga ako kasi nga po dun sa video nga po, pinost ko ng walang consent,” sabi ng dalaga.

Ayon naman kay Jerome, humingi ng sorry si Jorizel sa pagkaka-post ng video niya sa social media.

Pagalala ng binata, “Humingi po siya ng sorry kasi inupload po ng kaibigan niya ng video without my permission. Sabi ko, 'ayos lang naman po, wala naman pong problema sakin 'yun.'”

At sa tulong ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay nagkita nang muli ang dalawa. Nagsimula man sina Jorizel at Jerome bilang mga estranghero sa isa't-isa, ngayon ay masasabi na nilang magkaibigan na sila.

Panoorin ang buong segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ibaba:

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES AT KANILANG MGA KA-LOOK-ALIKE DITO: