Article Inside Page
Showbiz News
Espesyal ang pagdiriwang ito kaya espesyal rin ang bisita natin! Makikihataw ang Diamond Star Maricel Soriano sa launch ng Tsumayaw, Tsumunod! ang dance showdown ng mga magkaka-barangay.
Espesyal ang pagdiriwang ito kaya espesyal rin ang bisita natin! Makikihataw ang Diamond Star Maricel Soriano sa launch ng Tsumayaw, Tsumunod! ang dance showdown ng mga magkaka-barangay.
Makakasama rin si Maricel ni Ninong Manny sa Easy Manny round kung saan ang contestants ay mula sa mga nabunot at inilipad mula sa iba't ibang bahagi ng bansa!
At sabay-sabay din natin balikan ang mga buhay ng ilan sa mga natulungan mula sa mga sumulat sa Dear Ninong. Alamin natin ang ilan sa malalaking pagbabago sa kanilang buhay mula nang mabiyayaan sila ni Ninong!
At sa pagkakataong ito, sila mismo ang may tsansang makatulong sa kapwa. Kilalanin natin ang maswerteng sumulat sa Dear Ninong na kanilang napili.
Sina Pekto at John Feir, mangangatok at manonorpresa muli! Isang maswerteng pamilya ang kanilang bibisitahin at hahatiran ng bagong hamon ni Ninong! Kung ano ito, yan ang dapat nating abangan!
Isang taon na tayo! Kaya isang kakaiba at mas pinalakas na Manny Many Prizes ang inyong dapat tutukan! Ngayong Linggo, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas.