
Summer is here!
Gumawa ng ingay sa social media ang hot and sexy photos ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera last week.
IN PHOTOS: Dingdong Dantes, Marian Rivera and Baby Zia's Valentine beach getaway
‘Tila napaaga ang summer ayon sa netizens dahil sa sexy beach photos ni Mommy Marian na litaw ang magandang hubog ng katawan, resulta ng kanyang hardwork sa gym.
Ang isa pa niyang photo na suot ang two-piece black bikini ay certified viral matapos umabot ng mahigit sa 371,000 likes as of writing.
Marami ring celebrities ang sobrang napabilib sa kaseksihan ng Kapuso Primetime Queen at ilan sa kanila ay mula sa rival TV network na ABS-CBN.