Pagkatapos nina Sitti at Nina, ang apelyido naman ng longtime Eat Bulaga dabarkad na si Allan K. ang hinulaan ng netizens.
Sa post ng GMA Public Affairs sa Facebook, kung saan pinapahulaan nila ang ibig sabihin ng 'K,' samu't saring komento ang natanggap nito.
Sulat ng isa, Allan KPop talaga dahil may lahing Koreano si Allan.
Komento niya, "ALLAN Kᴾᴼᴾ po talaga yan kasi may lahi po syang Koreano Ganern."
Ang iba naman, hindi nakakapagluto si Allan dahil ang tunay niyang pangalan ay Allan Kalan.
"Sya ang taong hindi makapagluto dahil laging Allan Kalan. #peace," sulat ng isa.
May nagsabi rin na parte si Allan K. ng GMA News and Public Affairs dahil siya ay "Allan Kinikilingan, Allan Pinoprotektahan, Allan Kasinungalingan."
Naging seryoso naman ang iba nang bigyan nila ng kahulugan ang 'K' ni Allan K.
Sulat ng iba, "Allan Kilantang ang madalas ko marinig pero Allan Kinang sa pagpapatawa at laki ng puso sa gaya nyang mga performer."
Ang totoo, ang tunay na pangalan ni Allan K ay Alan Quilantang. Ginamit niya lang ang Allan K. nang magsimula siya sa comedy bars.
Samantala, alamin ang buong pangalan ng one-name celebrities dito: