
Ngayong may COVID-19 pandemic, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng depression at anxiety dahil madalas nasa loob lang ng bahay ang mga tao.
Sa ikatlong episode ng Kaibigan: The Series, pag-uusapan ng magkakaibigang David Santos (Jesse Perkins), Jake Anderson (Christian Perkins), Kylie Kino (Janina Vela), at Anna Torres (Lianne Valentin) kung anu-anong mga bagay ang puwedeng gawin upang makatulong sa depression.
May kanya-kanyang ginagawa sa bahay sila David, Jake, Kylie, at Anna. Pero paano kaya nila matutulungan ang isa't isa ngayong hindi sila puwedeng magkita-kita?
Panoorin ang ikatlong episode ng Kaibigan: The Series bukas, December 19, ala-9 ng umaga sa GMA.
Kilalanin ang mga character nina Jesse, Christian, Janina, at Lianne dito: