GMA Logo Kakai Bautista hate comments
What's Hot

Kakai Bautista, apektado pa ba sa mga nangungutya sa kanya?

By Aedrianne Acar
Published January 7, 2020 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista hate comments


May mensahe ang all-out performer na si Kakai Bautista sa kanyang mga basher.

Ni sa hinagap, hindi daw sukat akalain ni Kakai Bautista na magiging parte siya ng isang musical variety show tulad ng All-Out Sundays (AOS).

Kakai Bautista, proud matapos manalo sa ratings ang 'All-Out Sundays' laban sa katapat nitong programa

Sa sunod-sunod na post sa Instagram story ng magaling na comedienne, umamin ito na nagulat siya na after 17 years ay magkakaroon siya ng ganitong klaseng show.

“Surreal. Di ko na inaasahan na mangyayari pa sa buhay ko after 17 years ang maging regular performer sa isang variety show.

“Pero andun lang yung paniniwala kong pwede. Dahil, 'pag nagtiwala ka sa timing ni Lord, WALANG IMPOSSIBLE!”

May mensahe din siya sa mga basher niya na hindi bilib sa kanyang talent at sinabi niya na hindi niya puwede i-please ang lahat ng mga tao.

“Madami din akong nabasa na lait at kutya. Ang sa akin, Ok lang yun. Ang isa sa mga purpose ko bilang performer ay ang mapasaya at ma-entertain ang mga manonood hindi ang i-please ang lahat.”

Nagpaabot din si Kakai ng pasasalamat sa pamunuan ng Kapuso Network sa tiwala na ibinigay sa kanya na maging part ng AOS.

Hindi rin nakalimutan ng Kapuso performer na mag-thank you sa matalik niyang kaibigan na si Alden Richards sa mainit nitong suporta sa kanya.

Saad niya, “Siyempre sayo superstar kong kaibigan! Maraming salamat sa yakap ng pag-welcome kahapon (January 5).”

LOOK: Netizens praise the pilot episode of 'All-Out Sundays'

LOOK: Scenes from the first 'All-Out Sundays' episode