
Nakapagpabakuna na rin ng first dose ng COVID-19 vaccine ang dalawang Kapuso stars na sina Kakai Bautista at Adrian Alandy kahapon, June 21.
Sa kani-kanilang Instagram post, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga karanasan.
Very supportive kay Kakai ang First Yaya co-star nito na si Sanya Lopez at makikitang hawak ni Sanya ang kamay nito habang binabakunahan. Magkasabay na nagpabakuna ang dalawa at maraming netizens napahanga sa kanilang pagkakaibigan.
Reaction ng ilang netizens, "A friend like Sanya Lopez please” @justjemaicah; “Yehey bakunado at protektado na si melodear at pepita. Stay safe po” @haradanaya; at “I love your friendship” @itzmecourtney.
Samantala, nag-post naman sa Instagram si Innamorata actor Adrian ng video habang binabakunahan. Hinihikayat ng aktor ang lahat na magpabakuna kung anumang mayroon na vaccine para na rin sa kaligtasan at proteksiyon ng bawat isa.
“One step closer to getting back to normal. Dahil siguro lahat naman tayo ay gusto na bumalik sa normal ang lahat, 'yung hindi na kinakailangan mag-mask para lumabas ng bahay, upang makita muli ang mga ngiti sa ating mga mukha, magkasalu-salo tayo at magdiwang.
"One step upang wakasan ang pandemya ng COVID-19. Encouraging everyone to please get vaccinated, whatever is available, all vaccines are safe and are there to protect us," hikayat ni Adrian.
Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na nabakunahan na laban sa COVID-19.