GMA Logo Kakai Bautista and SB19 Stell
Source: Kakai Bautista (Facebook)
What's Hot

Kakai Bautista, inaming na-starstruck kay SB19 member Stell

By Jimboy Napoles
Published September 26, 2022 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista and SB19 Stell


"Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat miss Kai! Kainggit!," sey ng isang netizen kay Kakai Bautista.

Marami ang kinilig at relate na relate sa fan girl moment ng Kapuso actress na si Kakai Bautista sa P-pop group na SB19 nang bumisita sila sa longest-running noontime show na Eat Bulaga nitong Sabado, September 24.

Sa isang Instagram video, ibinahagi ni Kakai ang kanyang saya at kilig nang makita ang hinahangaang boy group lalo na ang miyembro nito na si Stell.

"SORRY NAAAAAAAAAA!!!! Nastarstruck ako ih @stell16_," caption ni Stell sa kanyang post.

Dagdag pa niya, "'Di ko alam kung anong dapat maramdaman sa mga oras na ito. Anezzzzz but thank you sa photo."

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


Sa isang Facebook post, ipinaliwanag naman ni Kakai na ipinagpaalam niya sa mga bossing ng Eat Bulaga ang kanyang naging pagbisita sa APT studio upang personal na makita ang Pinoy boy group na sina Josh, Stell, Ken, Justin, at Pablo.

Aniya, "So it happened. Thank you Eat Bulaga for allowing me to come and fan girl today!!!!!! Siyempre sa beshie ko [Maja Salvador]."

"'Di talaga ako pupunta kasi nahihiya ako, bukod sa kailangan ko ng voice rest talaga, nahihiya ako humingi ng mga favors, favors para lang may access to meet and see #sb19 kahit madaming pwede, madaming chance.

"Pinaalam namin 'yan sa mga boss ng EB bago kami pinayagan pero super push ang beshie ko dahil kilalang -kilala niya ako at alam niya kung gaano ko ka- Love ang esbi," kuwento pa ng comedienne-actress.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa pagiging totoo ni Kakai pagdating sa pagiging isang fan girl.

"Grabe Ms. Kakai isa kayo sa mga patunay na walang arti-artista sa fandom na'to. Kapag talaga na-appreciate mo 'yung story, talent at character na meron sila hindi mo mapipigilang mag-fangirl hahahaha feel na feel ko yung emotions sa caption na super relatable thank you for showing your all out support to our mahalima," mensahe ng isang netizen.

"When an artist idolizes another artists. Ganda kaya ng boses mo Ms. Kai! At ang swerte niyo pareho dahil nagkaroon kayo ng oras to meet each other," dagdag pa ng isang fan.

Kamakailan ay idinaos ng SB19 ang kanilang jampacked kick-off concert sa Araneta Coliseum para sa kanilang first-ever world tour.

MAS KILALANIN NAMAN ANG P-POP GROUP NA SB19 SA GALLERY NA ITO: