
Reunited ang ilang cast members ng hit GMA drama series na 'First Yaya.'
Sa Instagram post ng comedienne-actress na si Kakai Bautista, ipinasilip niya ang bonding moments nila ng kanyang dating co-stars sa serye.
After six years, nagkasama ulit ang cast para sa kanilang guest appearance sa game show na 'Family Feud' na ipinalabas sa TV at online noong August 27.
Mapapanood sa video na ibinahagi ni Kakai ang kumustahan nila ng kanyang mga kasama sa grupo na The Ladies of First Yaya na sina Sanya Lopez, Maxine Medina, at Muriel Lomadilla.
May kulitan moments din ang The Boys of First Yaya na sina Pancho Magno, Anjo Damiles, Clarence Delgado, at Kiel Rodriguez.
Sulat ni Kakai sa caption ng kanyang post, "First Yaya is [heart emoji]. So happy to be with these Craycrays. Akalain mo 6 years na ang nakalipas ganito pa rin tayo? [laugh emojis]. Thank you sa patuloy na sumusuporta sa FY [First Yaya]. Grabe kayo!!!"
Talaga namang napuno ng good vibes ang guesting nila sa 'Family Feud' at pati ang host nito na si Dingdong Dantes ay nag-enjoy sa kanilang pagbisita sa studio ng game show.
Unang ipinalabas ang 'First Yaya' noong March 15, 2021, at muli itong napapanood ngayon sa TV at online.
Ang mga bida sa serye ay sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na kilala rito bilang magka-love team na sina Yaya Melody at President Glenn.
Mapapanood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. naman sa GTV.
KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang bida ng 'First Yaya'