
Nakaramdam ng nostalgia ang maraming netizens online nang mapanood ang video ni Kakai Bautista habang inaawit ang theme song ng dating romance anthology program ng GMA na Maynila kung saan host ang dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza.
Hindi makapaniwala ang ilang nakapanood ng video na ang actress-comedienne na si Kakai pala ang boses sa likod ng nasabing theme song na “Mahal Kong Maynila.”
“OMG! Ikaw pala 'yun Miss @Kakai Bautista after 20 years, ngayon ko lang nalaman. Ang galing!,” komento ng isang netizen.
“Grabe Ms. @Kakai Bautista, wala pa ring kupas! Naging part ka na halos ng mga childhood days namin. Way to go!” dagdag pa ng isang netizen.
Ayon pa sa isang TikTok user, “Binuhay mo 'yung childhood memory ko.”
Ang nasabing theme song na isinulat ni Vince De Jesus ay inilabas taong 2002. Umere naman sa GMA ang Maynila simula taong 1999 hanggang taong 2020.
Marami rin sa mga sikat na celebrity ang naging parte ng programang ito na ipinapalabas noon tuwing Sabado ng umaga.
Samantala, ang naturang video ni Kakai, mayroon nang lagpas sa 3 million views sa TikTok at patuloy na umaani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.
@kakaiba_02 MAHAL KONG #Maynila SURREAL🥺 #fyp #foryoupage #maynilathemesong #Maynila ♬ original sound - Kakai Bautista
SILIPIN NAMAN ANG SEXY BEACH PHOTOS NI KAKAI BAUTISTA SA GALLERY NA ITO: