What's Hot

Kakaibang kilig at sikreto ang mapapanood sa 'Cheese in the Trap'

By Bianca Geli
Published January 17, 2019 10:44 AM PHT
Updated January 17, 2019 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit kaya umiiwas si Ordinary Girl kay Mr. Popular Guy? 'Yan ang isa sa mga sikretong dapat abangan sa panibagong handog ng GMA Heart of Asia, ang 'Cheese in the Trap.'

Bakit kaya umiiwas si Ordinary Girl kay Mr. Popular Guy? 'Yan ang isa sa mga sikretong dapat abangan sa panibagong handog ng GMA Heart of Asia, ang Cheese in the Trap.

Isang masipag at simpleng babae si Ashley (Kim Go Eun) na nag-leave of absence sa kanilang university para iwasan si Jeffrey (Park Hae Jin). Ngunit tila pinaglalapit sila ng tadhana dahil isang scholarship ang magpapabalik kay Ashley sa pag-aaral, wala siyang kamalay malay na ang scholarship na ito ay kay Jeffrey pala nakalaan.

Sa balik ni Ashley sa kanilang university, todo lapit ulit ang Mr. Popular na si Jeffrey… ano kaya ang habol niya kay Ashley?

'Di naman papahuli sa pagtanggol kay Ashley ang best friend niyang si Noah (Nam Joo Hyuk) na lagi niyang maasahan tuwing lumalapit si Jeffrey. Isang gwapo na medyo rebelled na musician naman sa katauhan ni Adrian (Seo Kang Jun) ang magiging isa pa sa mga knight-shining-armor ni Ashley na may lihim na pag tingin. Hindi rin titigil sa pagpapapansin kay Jeffrey ang kapatid ni Adrian na si Gia (Lee Sung Kyung).

Matutunan kaya ni Ashley na magtiwala kay Jeffrey o may lalabas kayang sikreto na magpapabago sa lahat?

Abangan ang Cheese in the Trap sa GMA Heart of Asia ngayong Enero na!