
Families come in all shapes and sizes.
Ito ang matutunghayan sa "Once A Dad," isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Mahilig sa basketball ang teenager na si Manley kaya bubuo sila ng kanyang mga kaibigan ng team na sasali sa liga ng kanilang barangay.
Habang nagpa-practice, mami-miss niya ang kanyang tatay na isang P.E. teacher at nagturo sa kanya ng basketball noon.
Magpo-post si Manley ng video sa social media ng mensahe niya para sa tatay na si Cedric. Ikagugulat niya nang mag-reply ito at mangangakong bibisitahin siya at ang kanyang nanay na si Michelle.
Pero tila ibang tao ang darating sa tahanan nina Manley dahil ang tatay niyang si Cedric, nag-transition na bilang babaeng si Cierra.
Matatanggap ba ni Manley si Cierra bilang kanyang ama?
Ang young Kapuso actor na si Will Ashley ang gaganap bilang Manley, habang si Iyah Mina--ang first transgender actress na nakasungkit ng best actress award sa Pilipinas--ang gaganap bilang si Cierra.
Si Bianca Lapus naman ang nanay ni Manley na si Michelle.
Bahagi rin ng episode si Marnie Lapus.
Abangan ang touching story ng "Once A Dad," October 30, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: